Nang nakaraang Sabado, dahil sa pag-iiwas na matapon ang Coke Float ko,
nabangga ko ang aking tuhod sa bakal.
Sugat.
Kahapon, sa pagmamadali ko, naisadsad ko ang matulis na dulo ng aking bolpen sa aking hita.
Sugat.
At kanina lamang, natusok ako ng nakausling pako sa mesang
pinagpapatungan ko ng aking laptop.

Tatlong araw. Isa kada araw. Tatlong pisikal na sugat. Simpleng aritmetik. Simple, pero nais kong bigyan ng pakahulugan.
Sa pang-araw-araw na pamumuhay natin sa mundong ito, hindi lamang isang sugat kada araw ang ating natatamo. Marami dyan sa tabi-tabi. Iba-iba. Maaaring nagkakasugat tayo dahilan sa kagustuhan nating proteksyunan ang iba, sa kagustuhang mauna kaya tayo'y nagmamadali, o kaya's sa pagiging abala natin sa mga bagay-bagay. Gayunpaman, tila wala na tayong magagawa. "Yan ang buhay e," ika nga.
Sana lang, sa kabila ng mga sugat na ito, nariyan ang pag-asa ng paghilom. Balang araw, gagaling din ang gasgas, ang mga tusok at mga pasa... Balang araw, bubuti rin ang lahat.
Nagmamahal, jj.

magaling magaling.
ReplyDeletetama ka nga gwynee. hmm.
pero kahit naghilom na ang mga sugat, nariyan pa rin ang mga bakas ng nakaraan.
@rea:
ReplyDeletekahit na may bakas, "at least" bakas na lang, di ba? nasa'yo na yan kung pa'no mo ituturing yun, positibo o negatibo. :)